Mabuhay, Welcome, Willkommen

Pag lipad Papuntang  Germany 


Ang Flight Ticket

Kung ikaw ay may bisa na papunta ng Germany. Ang iyong pinsan, katipan,o kaya ay iyong mapapangasawa ay i bo booked ka na muna ng matagal bago ka pa mag kabisa.  Minsan ay iyong ipapa re scheduled ng ilang beses gawa ng ang iyong bisa ay delayed rin. Kung ang iyong kamag-anak o katipan ay kinuhanan ka ng ticket sa Germany, kailangan mo ng kunin sa office diyan sa Pilipinas kung saan at anong airlines ang iyong sasakyan. Huwag mong kalimutan na dalahin ang iyong passport para ibigay sa iyo ang ticket. Ang isa pang paraan ay ang iyong kamag-anak o katipan ay padalhan ka ng pera sa iyong Bangko, at ikaw ang bibili ng ticket diyan sa atin. Siguraduhin ninyo na dala ninyo ang cash at safe sa mga mandurukot, lalo na kung ikaw lang mag isa ang lalakad sa kalye. Alam mo naman sa atin ngayon lalong palala ng palala. hay nakü buhay Pinoy talaga wala ng pag babago.

Manila International Airport

Dalawang oras bago ang iyong lipad ay dapat ay nandiyan ka na sa loob ng airport. Alam mo na man sa atin wala ng pag asang malutas ang trapik, lalo pang lumalala sa ngayon. Ipakita mo sa guwardiya ng iyong ticket tapos diretso ka ng check-in counter kung saan at ano ang eroplanong iyong sasakyan.  I check in mo ang iyong bagahe, tapos iyong matatanggap mo ang boarding pass, tapos makikita mo roon ang maliit na departure form, iyong fill-up pan at isalipit mo sa iyong passport, at ipakita mo sa immigration.
Another thing which can happen to you is that you suddenly have to pay something called travel tax. Information about that you can find on the page "Travel Tax"

Pag katapos mong mag check-in, dadaan ka sa airport tax at magbabayad ka ng halagang limang daan per person. Siguraduhin mong may piso ka pa rin bago ka umalis sa atin. Tapos pipila ka na sa immigration kung saan lalagyan na ng stamp ang iyong passport.   Sa loob iyong hanapin kung anong gate number ang iyong papasukan, iyong makikita sa iyong boarding pass. Kalahating oras bago ang iyong alis dapat ay nasa boarding ka na.

Ang Flight

    Karamihan sa iyong sasakyang eroplano ay may stop over, either Bangkok, Kuala Lumpur, Hongkong or Singapore.Kaya lang sa loob lang ng airport. Ang airline personal ay iinform sa inyo kung anong oras ulit ang alis ng eroplano, papunta sa inyong distinasyon. Puwede ka ring mag walking around, bumili ng kung ano-ano, But remember hindi na acceptable ang pera natin. Ang puwede lang nating ibili ay credit cards at dollars. Kaya siguraduhin mo na mayroon ka isa man sa mga ito.
    Bago pa man lumapag ang eroplano ay ang mga service crew ay mag hahain ng isa pang pag kain, yan ay almusal. Pag katapos ng malayong pag lalakbay sana ay nakatulog kayo sa airplane. At isa pa ang oras ay iba na kesa sa atin, umaasa akong madali kayongg maka adjust ng time difference. O kaya ay ang tinatawag na "Jet lag".

Ang Frankfurt Airport

        Pag baba ninyo ng eroplano ay deretso kayo sa passport control, sunod ay ang pag kuha ninyo ng bagahe. Kapag nakuha na ninyo ang inyong bagahe ay palabas na kayo ng customs control. Dito ay walang problema hindi tulad sa atin. Ang agwat ng oras ay 6 o 7 buhat sa Pilipinas,depende kung summer or winter. Kaya sa pag labas pa lang ninyo ng Frankfurt airport ay baguhin na ninyo ang inyong mga orasan. Kung ang iyong eroplanong sinakyan ay Thai Airlines,  Singapore Airlines or Lufthansa ang inyong gagamitin sa pag labas ay terminal one. Kung ang iyong sinakyan ay  Cathay Pacific or Malaysian Airlines, ang inyong gagamitin sa pag labas ay terminal two. Ang ibang airlines via Dubai or some other Arabic cities), ay sa terminal two rin ang exit nila. Sa labas ay nandoon na kung sino man ang mag susundo sa inyo. .

Kalusugan at  Siguridad
Kung ikaw ay tumira na sa ibang bansa, ikaw ay kailangan na mag apply na tinatawag nilang "risk insurance". IKung ang distinasyon mo ay sa Germany ito ay tinatawag na "ADAC". Dito ay makakamura ka , ipakita mo lang ang iyong pasaporte at ang boarding pass na nag papatunay kung kailan ka dumating dito.