Mabuhay, Welcome, Willkommen


Kumusta kayo diyan!!!. Tuloy po kayo sa aking munting bahay. I palagay po ninyo na kayo ay nasa sarili ninyong bahay....sana ay masiyahan kayo sa tanawin, sa mga kaugnay nito..... at sanay   kayo'y masiyahan sa aming matatamis na "ngiti". At bago kayo bumaba sa aking munting bahay ay huwag ninyong kalimutan ang  lumagda  sa aking librito. Magandang araw pong muli....."ngiti naman diyan o".
Lhiza

Oo, ito po  lahat ay nag simula sa isang maliit na isla ng Pasipiko Tinatawag na "Pilipinas",na ang ibig sabihin ay "Perlas ng Sinilangan".
Hating-gabi noon sa parti ng Bikol, 1968.  Ang Nanay ko ay nag disisyon na iluwal na ako,sobra na raw ako sa loob ng kanyang tiyan kasasayaw  at kalalangoy. Kaya itinulak na niya ako palabas sa tinatawag na planeta ng "Mundo".

Ako ay nagtapos ng mababa at mataas na paaralan sa aming maliit na. Hindi nakatapos ng Koléhiyo, dahil tamad. Ginusto ko pa ang matulog, kumain at  mag lakuwatsa.

Ito po kayumanggi, may mahabang buhok  at palatawang Pilipina. Kung tawagin po ako ng aking mga kaibigan ay cute raw, pero nakakatakot ano po!. Ngayon po ay tawagin na ninyo akong Lhiza Schuetz dahil po ay nag kaasawa na at ngayon po ay dito na ako nakatira sa bansa ng "Europa". Maliit na parti na tinatawag na Reinheim (see map), 20 kilometro ang layo sa Darmstadt at 40 kilometro ang layo sa paliparan ng Frankfurt. Kasama ng aking isang anak na  ang pangalan ay Lyn-lyn.
Lynlyn loading ...

Siya po ang nagsangguni sa akin na gumawa ako ng aking "homepage. Para raw po hindi ako mainip dito at makipag kontakan sa mga Pilipina na nasa ibang bansa. Siyempre po ay lalo na sa aking mga kababayan sa Pilipinas. .
Naniniwala po ako na may roon ako kahit kaunting talento na maibahagi sa inyo at sana po ay makatulong sa inyo ang mga nilalaman nito. Gaya po halimbawa ng mga sumusunod:
Pag tawag na murang tawag sa Pilipinas
Pag kuha ng Bisa sa bansa ng Germany
Mga desenting Pilipinong  résipi.
 

Sana po ay kayo ay nasiyahan at umaasa po akong muli at muli kayong babalik para sa mga bagon kong balita.
Muli po akong bumabati sa inyo ng "magandang araw".
Maraming maraming salamat po!!!!!!!!!.